I've been trying to write a teaser for my 4th novel and this is the best i've come up with. To be honest, writing teasers arent really one of my strong points. It usually take me a little longer to be able to come up with a decent one. Unlike other writers, they could write very good teasers in minutes. Pero sabi nga nila, wala naman sa teaser yon. Mas mahalaga pa rin yung totality nung novel. Im not saying that i am the best writer around. HELL NO! I still have a long way to go. Pero hindi naman siguro masamang isipin na kahit papano may ibubuga rin naman ako kahit konte. (hehehe oo konti lang!):) hehe basta! Kanya kanya naman yan ng trip! I know not everyone find my book interesting. But it's totally fine. This is a free country afterall, we are all entitled to own opinion. BOW!! (haha) :D
anyway enough of my silly chatters! Here's the unofficial teaser of my upcoming novel.
The Truth about Debra
Maraming bagay ang nais takasan ni Debra kaya sya nagdesisyong iwanan ang Maynila at pansamantalang manirahan sa isang private beach house sa Palawan. Unang una na ruon ang mga pagbabanta at pananakot ng abusado nyang ex husband na si Marcus.
She had taken a new identity in Palawan. Namuhay siya ruon bilang si “Diana” at umasa syang hindi magtatagal ay matatagpuan rin nya ang katahimikang hinahanap nya.
Hanggang sa makilala nya si Cyrus. Ang gwapong pintor na nakatira sa kalapit na beach house. The guy has its way of messing into her mind. Wala naman talaga sa plano nya ang makipaglapit rito pero kahit ano pang gawin nyang pag iwas ay tadhana na ang gumagawa ng paraan para magkalapit sila.
Nang tanggapin nya ang alok na pakikipag kaibigan nito ay duon nya mas nakilala ito ng lubusan. Ito ang nagbura ng lahat ng pangit na reputasyon ng mga lalaki sa kanya. Mas madali rin nyang nakalimutan ang masasakit na nangyari sa kanyang nakaraan dahil sa tulong nito.And then one day it all happened: mahal na mahal na nya ito.
Pakiramdam nya ay hindi na nya kayang mabuhay ng wala ito. Pero ang masaklap, hindi nya magawang ipagtapat rito ang totoo. Papaano ba nya sasabihin rito ang lahat gayong tiwalang tiwala ito sa mga kasinungalingang pinagsasabi nya?
Can she tell him all her secrets without ever breaking his heart?
♥--------------------------------------------------------------------------------------------♥
Well, that's about it for now. Kailangan ko nang gumawa ng first page. I'l just post about my other books some other time. Kapag sinipag na ako. :)
CIAO! :)))
No comments:
Post a Comment