Tuesday, January 17, 2012
excerpts
Just a few days ago, nagsubmit ako ng bagong manuscript. :))))))))) Hayyyy.. Finally! may pag asa ng ma-release si Julian! (hehe oo kailangan positive! LOL) The one im talking about is the sequel of my 3rd book (Photographs and Memories) Im super excited for the result of this one! Last year pa dapat ito ehh, kaso ngayon ko lang talaga sya napag ukulan ng time. Grabe. Sobrang iba yung sense of accomplishment nung finally matapos ko ang story na toh. First sequel ko kasi toh, at ilang beses rin akong nagpalit palit ng plot at storylines so HOORAYYY talaga na naisubmit ko na sya. AT LAST! :)
This one is a personal favorite too. I love how the whole story turned out, and i love the bantering between Julian and Lara! :)
Anyways, sa sobrang excitement ko magpopost ako ng excerpts from the novel. The unofficial title is "The other half of my heart"
I will be the happiest girl on earth kung ma-approved ang story ni Julian!
#hopingandwishing:)))
♥ The Other Half of my Heart ♥
“Si Lara? Yung anak ni Tito Simeon? Sila iyong nagpupunta sa Rest house naten San Miguel Bulacan pag summer di ba?” tanong ni Julian sa kanyang ama habang nasa loob sila ng isang restaurant sa San Juan. His dad asked him to come over and meet him for lunch dahil mayroon daw importanteng sasabihin iyon sa kanya.
“Yes that’s right. Sya nga iyong anak ni Juliet at Simeon. Mabuti naman at naaalala mo pa sya?” sagot nito.
Bahagya syang natawa ng binalikan nya sa kanyang isip ang huling pagkakataong nakasama si Lara at ang pamilya nito. “Paano ko ba sya makakalimutan? She almost set our rest house on fire!” Natatawang tugon nya sa ama.
Natawa rin ang kanyang daddy na tila ba naalala rin bigla ang mga nangyari nuong huling summer na nagbakasyon ang mga Quisumbing sa kanilang resthouse sa Bulacan.
It was the summer of 2002. Second year high school siya nuon. At sa pagkakaalala nya ay grade six naman si Lara. Inimbitahan ng kanyang daddy ang mag asawang Simeon at Juliet Quisumbing para sa isang Linggong bakasyon duon sa rest house nila sa San Miguel Bulacan. Kaibigan ng daddy nya ang ama at ina ni Lara nuong college. Kaya hindi kataka taka na paminsan minsan ay binibista at dinadalaw sila ng mga ito.
His memory of Lara was very vague. Ilang taon na rin naman kasi ang nakalipas. Isa pa, hindi rin naman sya naging malapit rito sa loob ng mga panahong nagbakasyon ito sa kanila. And besides, Lara was too bratty and childish nung mga panahong iyon para gawin nyang kaibigan. Hindi na nya maalala masyado ang mukha nito, basta ang alam lang nya ay cute si Lara lalo na kapag nakangiti iyon.
Isang bagay lang tungkol rito ang nakatatak sa kanyang ala ala at hindi nya malimot limutan—ang pagiging clumsy nito. Iyon rin ang dahilan kung bakit muntik muntikan na nitong masunog ang rest house nila nung minsang magkaroon duon ng brownout. Hindi sinasadyang natabig nito ang kandelabra at nabuwal iyon sa kurtina ng kanilang living room. At dahil yari lang sa manipis na tela ang mga kurtina nila, madaling umapoy iyon at nagliyab. Nagising na lamang silang lahat sa pagtili ni Lara nuong gabing iyon. Mabuti na lamang at naagapan iyon ng mga kasambahay nila kung hindi ay abo na ngayon ang rest house nila.
“B-bakit nyo naman po biglang naitanong si Lara Dad? What about her?” muli ay tanong nya sa ama. Bakit nga ba biglang si Lara ang naging topic nila? Anu ba ang kinalaman nito sa mahalagang sasabihin ng kanyang daddy?
“Actually hijo, she’s the reason why I invited you over lunch. Darating ang Tito Simeon at Tita Juliet mo maya maya. And they will ask you a little favor concerning Lara.” Seryosong sagot ng kanyang daddy.
“Favor concerning Lara? A-anu naman pong klaseng pabor iyon?” naguguluhang tanong niya.
“Don’t worry. Kayang kaya mo yon. It’s just a little favor.” Tipid na sagot nito. Bago pa sya makapag tanong muli ay nakita nyang papasok na ng restaurant ang mag asawang Simeon at Juliet. Nakangiting lumapit iyon sa kanila.
“Im sorry to keep you waiting hijo, Rodrigo.” Bungad ni Mrs. Juliet Quisumbing sa kanya at sa kanyang ama.
“It’s okay Juliet. Tamang tama lang and dating nyo ni Simeon. Mabuti pa kayo na lang ang magpaliwanag kya Julian.” Sabi ng kanyang ama pagkatapos ay tinapunan sya ng makahulugang tingin.
---------------------
So what do you think? Hmmm. Sana ma-approved ang isang toh para mabasa nyo rin sya ng buo. Feb 11 ako magfofollow up so wish me all the luck!
For now, let's keep our fingers crossed! :)
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment