Thursday, August 13, 2015

#HugotPaMore

Ewan ko sa iba ha. Pero ako, if you're going to ask me what's my ultimate "HUGOT" movie? Isa lang at isa lang talagang movie ang isasagot ko. Popoy, Basha. ONE MORE CHANCE.

Nakakatawa kasi kahit nakailang ulit ko na syang napanuod (ala titanic) pero kapag naririnig ko yung mga batuhan lines nina Popoy at Basha affected talaga ako, tagos eh. Alamo yung kabisado mo na yung sasabihin nung characters nila pero may kurot pa din sa puso? LOL. Siguro dahil minsan sa buhay ko naging ako si Popoy, naging Basha rin siguro at some point. Ikaw din, at sila at lahat tayo. Feeling ko lang ah? :-)

Ako, damang dama ko yung mga iyak iyak ni Popoy. Yung nakita nya si Bash na may kasamang iba sa reunion nila tapos sabi nya "Mahal na mahal kita, at ang sakit sakit na." Hayy grabe, Sakit teh. Tagos!!! Ayokong balikan. hahahaha! Tapos Yung scene na nag sosorry si Basha tapos iyak lang sya ng iyak sa harap ni Poy. That one really got to me. :-(
Lalo na kapag papanuorin mo ng kakabreak mo lang sa jowa, or may pinagdadaanan. Patay kang bata ka! haha. Handa mo ang tissue, or much better lumayo ka sa mga matutulis at nakakalasong bagay! hahaha!

Pero alam nyo kahit ang lungkot nung istorya ng movie, kahit puro heartbreak ek ek, bumawi naman sa huli. Sila pa rin ang nagkatuluyan! I think it has been one of my most favorite endings dahil happy ending at nabigyan talaga ng justice ang mga characters. They broke each other's heart, they suffer the consequences, but their love prevailed in the end. Ganun sana ano? Pero alam naman naten na sa totoong buhay, hindi palaging ganon. May mga Popoy at Basha na hindi nauuwi sa happy ending. May mga Popoy na may nakikilalang Trisha, at si Trisha yung nakatuluyan nya. May mga Basha naman na may nakilala ring iba. Siguro yung ibang Basha tumira sa abroad at don na nagka asawa at hindi na bumalik ng Pinas! hahaha! Oo, may mga ganon. It's not our concept of happy endings but atleast they find their own ways to live their lives without each other. Happy pa din naman yon di ba? Hindi nga lang sila magkasama.

Well, ganon ang life. Hindi naten alam kung anong mangyayari saten. Madaming humps, detour, shorcuts, longcuts lalo na sa pag ibig. Lahat yata ng nagmahal, dumating sa point na nasaktan. Walang excempted. Pero kapag naman nalampasan mo lahat yon? Ang bongga mo dai! Kapag naka move on ka sa isang masakit na pangyayari sa buhay mo, ang sarap sa pakiramdam di ba? Parang bagong tao ka na ulit. Version 2.0 sabi nga ni Sarah Geronimo! BOLDER, BRAVER, FIERCER, WISER! :-)


As they say---time heal all wounds. Tama yon. Gagaling yan, maghihilom. Magkakapeklat ka nga lang! hehe but then you'll move on,some will choose to forget but others will still remember. Depende na yon sa tao, pero okay lang. As long as you've moved on. 
Sabi nga sa nabasa ko "PAST IS A NICE PLACE TO VISIT BUT NOT A GOOD PLACE TO STAY" :-)

Anyway, para sa mga gustong torturin ang sarili dyan, eto ang para sa inyo. Panuorin nyo lang yan ng ulit ulit. hahaha! Kidding aside, im sharing this video just to celebrate this wonderful movie, at para sa mga hindi nakakaalam, may ONE MORE CHANCE PART 2 na po! Looking forward to watch it! HUGOT PA MORE!!! LONG LIVE POPOY AND BASHA :-)






No comments:

Post a Comment