Since i promised to post about my published novels, and since im in the mood to post another blog naisip ko na gawin na toh ngayon! :)
Hmmm so far i have 3 published novels under PHR (Precious Hearts Romances)
Well, to be honest it didnt occur to me that i will become a writer one day, more so, be a romance writer. Im not so romantic myself. haha i know it's weird. :D
Siguro nakatulong lang talaga na mahilig rin akong magbasa ng romance.
I thank PHR for opening the doors for me. Im proud to say that i've come to love writing now.
And i cant imagined myself getting tired of doing it. EVER.
Now, meet my babies! :))
My Missing Puzzle Piece
Release date: June 01 2011
Teaser:
Alice thought she had found the man of her dreams. Iyon ay sa katauhan ni Sid. Pero nawasak ang pangarap niya nang tuluyang iwan siya nito. Isang mapait na katotohanan ang nagpabago sa damdamin nito at walang kasinsakit iyon para sa kanya.
Then under a very unexpected circumstance, she met Jake Ferrer, a car shop owner. He was everything a woman wanted in a man—matalino, simpatiko, successful, and, oh, so seductively handsome! Sa una pa lamang nilang pagkikita ay hindi na maipaliwanag ang kakaibang atraksiyong namamagitan sa kanila.
She was afraid to love again, but he was crazy in love with her. Ito na kaya ang kasagutan sa matagal na niyang pinapangarap sa buhay—ang magkaroon ng kabiyak sa buhay?
Story behind the story:
This story wasnt conceived and born over night. It took me months--5 months i think to wrote Alice and Jake's story.
Well, this story is really different from all the usual romance stories. Alice (the heroine) is a woman who is not capable of rearing a child of her own. In short--BAOG sya. Yeah. that's pretty unusual for a romance story. Kasi minsan kadalasan yung ending the guy and the girl would get married and have a child. But Alice, her situation is different. hehehe ayoko namang ilagay yung buong kwento rito. Kung interesado kayo, maybe you should go buy it, and see it for yourself kung ano nga ba ang naging happy ending nila ni Jake. :P
I didnt now where did i get the inspiration to wrote her story. It just occur to me one night. Parang naisip ko lang na magsulat ng story tungkol sa isang babaeng baog. Medyo kakaiba kasi yun di ba? Not all novels tackles that issue. And if im not mistaken, this is only the second novel under PHR who happened to tackled that sensitive issue.
I say Im proud at the uniqueness of it.
My Wicked Love
Release date: June 07 2011
Teaser:
Pinatigas ng mapapait na karanasan ang puso ni Blair kaya ipinangako niya sa sarili na hinding-hindi siya gagaya sa kahinaan ng kanyang ina. She made a vow to herself that she won’t shed a single tear for any guy. Bagkus, siya ang magpapaiyak sa mga ito!
Then she met Calix, ang balikbayang apo ng kanyang boss. Hindi maganda ang paraan ng unang pagkakakilala nila. Lalo pa siyang nainis dito nang pairalin nito sa kanya ang pagiging mayabang at arogante nito.
Pero bakit gano’n? Napakalakas ng dating nito sa kanya. Kahit parang isang malaking parasite ito sa buhay niya ay hindi niya makontrol ang pagbilis ng tibok ng kanyang puso tuwing tinititigan siya ng mapanuksong mga mata nito. Lalo pang tumindi iyon nang nakawan siya nito ng halik…
Story behind the story:
The movie "The Proposal" with Sandra Bullock and Ryan Reynolds had been my inspiration for doing this story. Blair (the heroine) I basically patterned her personality to Sandra's character in the movie. Nakakatuwa kasi yung character ni Sandra dun sa movie, para syang amazona so naisip ko na i also want a heroine like her. Yung tigreng tigre ang ugali. hahaha :D
Yung inspiration ko naman kay Calix hmmm i dunno. Nag isip lang ako ng hero na bagay sa personality ni Blair so ginawa ko naman si Calix na uber ng yabang! haha. Yung tipong God's gift to women kung maka asta.
This one is a personal favorite. Bukod duon, ito rin ang pinaka mabilis kong natapos. I wrote the whole story for only 2 weeks. hehehe I dont know how the hell did i do that pero ang bilis talaga non. :D
Photographs and Memories
Release date: July 06 2011
Teaser:
Tahimik ang buhay ni Liz sa piling ni Julian. She thought she was happy with him and they had a perfect relationship. Ideal boyfriend ang tingin ng nakararami rito dahil bukod sa guwapo, saksakan pa ito ng yaman. Iyon nga lang, madalas ay wala itong time para sa kanya. Pero okay lang iyon. Tanggap naman niya na first priority nito ang kompanya nito.
Nagbago ang lahat nang biglang dumating sa buhay niya si Darius. He ignited a passion in her that she never knew existed. May kakayahan itong pasayahin at pangitiin ang kanyang puso nang higit pa sa nagagawa ni Julian. Alam niyang mali na mahulog ang loob niya sa binata at lalong hinding-hindi siya puwedeng umibig dito dahil nakatali na ang kanyang puso sa iba. Pero bakit kabaligtaran ang sinasabi ng kanyang damdamin?
Story behind the story:
Hindi ko alam kung saan ko nakuha ang inspiration to wrote this one. Wala lang naisip ko lang. hehehe pero ang naaalala ko nanuod kasi ako nung time na yun ng "My Amnesia Girl" i was drawn to Toni Gonzaga's character--si Irene. Para kasing napaka complex nung character, she was funny but when she cried parang naapektuhan ka talaga nung luha nya. So ayun, but i didnt really patterned Liz (my heroine) on Toni's role, instead ginawa ko lang photographer si Liz. (just like the profession of Toni G's character in the film)
Maraming nagsasabi sa akin na ito raw ang pinaka nagustuhan nila sa lahat ng sinulat ko. Hayyy. Ewan ko. hehe kanya kanyang opinyon naman yan. Siguro kasi maraming nakarelate dito! hehehe plus, this one i think has the most emotional scenes. Love na love ko si Darius! (the hero) at hindi lang sya, dahil sa nobela ring ito pinanganak si Julian. (my hero in my 5th novel)
Sana ma-approved ang sequel para formally maipakilala ko sa inyo ang baby ni Julian. :))
The Other Half Of My Heart
Release date: May 08, 2012
Teaser:
Nagwakas ang easy-go-lucky attitude ni Lara at ang kanyang hilig sa nightlife nang ianunsiyo ng mga magulang niya na palugi na ang negosyo nila sa Amerika. Napilitan siyang magtrabaho sa taong pinakiusapan ng mga magulang niya para makatulong siya sa problemang pinansiyal ng pamilya niya. Hindi niya inasahan na si Julian pala ang magiging boss niya—ang ultimate crush niya noong twelve years old siya na nang snub sa kanya.
Kahit ramdam niya ang pagpapahirap nito sa kanya sa trabaho, patutunayan niya na hindi siya quitter at kaya niyang magseryoso sa buhay. Determinado siyang ipakita rito na hindi na siya ang dating Lara na spoiled brat, at higit sa lahat, patay na patay rito noon. Ngunit hindi niya napanindigan ang huli dahil nang makasama niya ito, isang ngiti pa lang nito ay lusaw na ang inis niya rito hanggang sa hulog na hulog na ang loob niya rito.
Hindi naglaon ay nagbago na ang trato nito sa kanya. Hindi man nito sabihin, ramdam niya na may gusto na rin ito sa kanya. Ngunit hindi yata nakatakdang maging maligaya siya sa piling nito—dahil isang lihim ang natuklasan niya na nakapagpabago sa pagtingin niya rito.
Story Behind the Story:
As i've mentioned, this one is the sequel of my 3rd book. Story ni Julian. Obviously hindi happy ending ang naging story nila ni Liz sa Photographs and Memories so i had to create another plot for him. (which is the hardest part for me!) Julian's personality was more on the serious side. He's workaholic, business-minded and very competitive. Naisip ko na mas exciting ang kwento kung ang ka-partner nya ay yung total opposite nya--someone like Lara, childish, bratty at pasaway! Isipin mo pa lang kung papano sila magkakagustuhan sasakit na ang ulo mo di ba? =)Anyway, I really had fun writing their story. I think this is very light compared to my other books, though i must admit nahirapan rin ako sa ilang dialogue. Maraming kulitan scene dito sina Lara at Julian at dun ako pinaka nahirapan. Kulang pa talaga ako sa sense of humor! hehehe =) But im so glad that i was able to do it. Lara had turned out to be one of my most favorite heroine. I just find her cute. And fierce. I dont wanna give anymore spoilers, syempre mas okay kung mababasa nyo na lang di ba?? :P
-----
(Next novel to be release: Cyrus and Debra's story.)