Teaser:
The Other Half Of My Heart
(Released date: May 08, 2012)Hindi na niya kailangang marinig mula rito ang mga salitang inaasam niya dahil sa bawat paggalaw ng mga labi nito sa mga labi niya, nasisiguro niyang mahal na rin siya nito.
Nagwakas ang easy-go-lucky attitude ni Lara at ang kanyang hilig sa nightlife nang ianunsiyo ng mga magulang niya na palugi na ang negosyo nila sa Amerika. Napilitan siyang magtrabaho sa taong pinakiusapan ng mga magulang niya para makatulong siya sa problemang pinansiyal ng pamilya niya. Hindi niya inasahan na si Julian pala ang magiging boss niya—ang ultimate crush niya noong twelve years old siya na nang snub sa kanya.
Kahit ramdam niya ang pagpapahirap nito sa kanya sa trabaho, patutunayan niya na hindi siya quitter at kaya niyang magseryoso sa buhay. Determinado siyang ipakita rito na hindi na siya ang dating Lara na spoiled brat, at higit sa lahat, patay na patay rito noon. Ngunit hindi niya napanindigan ang huli dahil nang makasama niya ito, isang ngiti pa lang nito ay lusaw na ang inis niya rito hanggang sa hulog na hulog na ang loob niya rito.
Hindi naglaon ay nagbago na ang trato nito sa kanya. Hindi man nito sabihin, ramdam niya na may gusto na rin ito sa kanya. Ngunit hindi yata nakatakdang maging maligaya siya sa piling nito—dahil isang lihim ang natuklasan niya na nakapagpabago sa pagtingin niya rito.
Story Behind the Story:
As i've mentioned, this one is the sequel of my 3rd book. Story ni Julian. Obviously hindi happy ending ang naging story nila ni Liz sa Photographs and Memories so i had to create another plot for him. (which is the hardest part for me!)
Julian's personality was more on the serious side. He's workaholic, business-minded and very competitive. Naisip ko na mas exciting ang kwento kung ang ka-partner nya ay yung total opposite nya--someone like Lara, childish, bratty at pasaway! Isipin mo pa lang kung papano sila magkakagustuhan sasakit na ang ulo mo di ba? =)
Anyway, I really had fun writing their story. I think this is very light compared to my other books, though i must admit nahirapan rin ako sa ilang dialogue. Maraming kulitan scene dito sina Lara at Julian at dun ako pinaka nahirapan. Kulang pa talaga ako sa sense of humor! hehehe =) But im so glad that i was able to do it. Lara had turned out to be one of my most favorite heroine. I just find her cute. And fierce.
I dont wanna give anymore spoilers, syempre mas okay kung mababasa nyo na lang di ba?? :P
No comments:
Post a Comment