Thursday, May 23, 2013

the terminal..



Okay. So it all started last January. Right after new year I think. I met this lady on the jeep terminal that I used to go to every morning. Actually, I’ve been seeing her almost everyday for a few months. We even  rode on the same jeep and often sit next to each other. Well, I guess you could say that we became familiar to each other in the span of that few months, although we never really talked except for occasional nods and smile sometimes.   
My first impression of her? 

Masungit  at Suplada. Palagi kasi syang nakasuot ng salamin, pormal manamit at parang napaka silent type.

Tandang tanda ko, palagi syang nakaupo duon sa dulo ng jeep, sa pinakabungad. Kadalasan pa nga, sakin sya nagpapa abot ng bayad sa driver. Pero hanggang doon lang. Pag baba nga namin ng jeep at nilingon ko sya, ang bilis bilis nyang mawala. Parang bula.

Mysterious indeed.

We never really talked until this one morning. Nakatabi ko ulit sya sa jeep and out of the blue, I asked her. “Ate,anong oras na po ba? Naiwan ko po kasi yung relos ko eh.
And then she answered smiling while looking at her watch. “Maaga pa. Seven-oh- five.”

It all started there. Hindi ko na alam kung sino ang nag follow up questions sa aming dalawa pero humaba na ng humaba ang usapan. I asked her about work and stuffs. You know—the questions you usually ask to a person you just met.  She seems nice. Madaldal, masarap kausap at duon ko lang nalaman na sa bangko pala sya nagtratrabaho at Mira ang pangalan nya. Well to be honest, at first I actually have an ulterior motive when I decided to approached her. Ang totoo, gusto ko syang mainterview para sa isusulat ko sanang manuscript. I don’t know but of all the people I’ve been seeing in the terminal everyday, I am most drawn to her. It’s weird really, but maybe God has a reason for making things happen. And that reason can sometimes come in weird packages. 

Anyway, hindi ko naman talaga intensyon na maging super friends kami. I did interview her, but my intention was quickly set aside as I get to know her.  And then eventually, from just being mere strangers, we became friends.

Really good friends.

It’s funny how we would txt each other everyday. From Monday to Friday we would see each other at the terminal, we would sat on the same spot inside the jeep and we would talk endlessly until we reach our destinations.

Hindi lang sa pagpasok kami nagsasabay. Kung minsan, pati na rin sa pag uwi. Magkaiba kami ng oras ng pag uwi pero ang nakakatawa don, madalas ring magkatagpo ang mga schedule namin. Sometimes, we would even go to each other’s office to fetch each other para lang sabay kaming uuwi. Madalas rin kaming magkita sa harap ng SM—which is our favorite meeting place. Duon nya ako palaging pinapadaanan sa jeep na sinasakyan nya.

Hindi ko alam at hindi ko rin masabi kung kailan kami nagsimulang maging ganon. It's odd because i am not a very trusting person. But I don’t know. I came to really trust her. I trusted her so much that even my innermost thoughts, I could confide in her. Hindi ko na namalayan na sa kanya ko na pala nasasabi lahat lahat ng nangyayari sakin sa araw araw. Be it personal, or professional.
Ganon din naman sya sa akin. She would txt me sometimes and I could easily tell if she’s sad or upset and she’ll open up to me.  And I guess, in the same way that i did, she did learned how to trust me.

Hindi ko na rin maalala kung papano nya ako unang inimbitahan na pumunta sa bahay nila at dumalaw sa church nila. Basta ang alam ko nagsimula lang ang lahat ng iyon sa kagustuhan kong kumain ng fishballs. I often teased her about that, sabi ko sa kanya ilibre nya ako ng fishball.. Hanggang sa iyon na nga, ang fishball nauwi sa pagdalaw ko sa bahay at church nila, sa pagkakakilala ko sa pamilya nya, pati na rin sa iba pang tao sa buhay nya.

Hindi ako nakakain ng fishball nung araw na yon. Pero masarap ang naging experience na yon, parang nakakain na rin ako ng fishballs. J Iyon yung first time na nakapunta ako sa church nila Ate.

Come Lord Jesus Christ or “CLJC” as they called it.

My heart was slamming through my chest as I enter CLJC’s door. Wala naman kasi talaga akong kilala duon bukod kay Ate. I remember she was holding my hand and she was smiling as we enter the church. Inakay nya ako hanggang sa makapasok na nga kami sa loob.

Medyo nanibago ako nung makapasok na kami, walang crucifix, walang dalawang anghel na nakatayo sa pintuan na mayroong hawak na tubig, walang magagarang upuan at malalaking industrial fan na kadalasang nakikita ko pag nagsisimba ako. Wala ring Mama Mary o kahit na anong holy image na sumalubong sakin. Instead, what I saw was people. Group of people with a huge and warm smiles on their faces.
Medyo nagulat ako sa mga reaksyon nila nung makita nila ako. Maraming lumapit sa akin, lahat sila may ngiti sa labi. Karamihan hinawakan pa ako saa kamay sabay sabi ng “Welcome!!!”

Ofcourse I smiled back. Papano mo nga ba tatanggihan ang ganuong klase ng ngiti at pag welcome? I find it really weird but their welcoming smiles and gestures somehow ease my tension. Sabi ko na lang sa sarili ko “Ahhh ganito pala dito, lahat masaya, hindi uso ang problema.”

I finally got to meet the rest of Ate Miras’s family. Her brother, kuya Dennis and his wife Ate Cherry, their daughter Khaela and ofcourse, their parents nanay Amparo and Tatay Luis. Just like all the people in the church, they we’re nice and welcoming.  

And then the so-called service finally starts. I was seated in front katabi ni Ate at Khaela. Wala naman akong ginawa actually kundi mag observe lang ng mag observe. For the first time, I watched the CLJC people sing and dance or worship as they called it. At first I thought it was OA coz they were singing and dancing as though it was the last time they would ever do it. It was like watching a band concert. Mayrong guitarist, may mga vocalist and ofcourse, there’s the drummer. They even had a small stage to complete the look.  

Everybody inside the church (except me) is singing and dancing (even the kids), even raising their hands at some point while solemnly whispering praises. I was amused. Honestly it was fascinating to watch them worship God. I have never seen anything as intimate and as intense as that. Parang gusto kong kilabutan dahil pakiramdam ko nandodoon lang talaga si God mismo sa loob ng church.

After doing a series of songs, nagsalita yung kapatid ni Ate sa mic, si Kuya Dennis. He even acknowledged my presence in front of the people. Pakiramdam ko tuloy para ako ang special guest. HAHA. But seriously, they treat me like that the entire day.

Pagkatapos nun, mayroong pastor na nagsalita sa harap. We have to read the bible sometimes  and obviously since it's my first time, hindi ako nakapagdala. Mabuti na lang pinahiram ako ni Ate tapos nag share kami ni Khaela sa pagbabasa. Aaminin ko, for the first time in a long long time, dun na lang yata ulit ako nakapagbasa ng bible. The last time I held that book was during high school I think.
The sermon lasted for an hour or so, at pagkatapos non ay may kantahan ulit. Hindi ko man alam yung mga kanta pero tahimik kong sinusundan sa isip ko yung mga lyrics na naka-flashed duon sa projector.

Nung finally natapos na yung service, iyon na. Iyon na yung favorite part ko kasi may libreng meryenda! Hehehe joke! Seriously, that was one of the highlights of that day. Masarap palang kumain kapag marami kang kasabay. Sa bahay kasi o kahit sa trabaho dati, madalas akong soloista sa pagkain.  
It was a humbling experience. Kasi, kahit simpleng pagkain lang ang nakahain daig pa yata ang kahit na anong pyesta o eat all you can! Lahat sila nakangiti at masayang ine-enjoy ang pagkain. Hindi ko rin alam kung bakit lahat sila parang masaya, pero basta!  Nakangiti lang din ako buong maghapon na iyon. Hanggang sa makauwi, hanggang sa matulog. At hanggang kinabukasan nung magkita ulit kami ni Ate sa terminal para pumasok na ulit sa trabaho.

THE END.  
..................................................................................
Iyon ang kwento ng first visit ko sa CLJC. :)
To be honest, it was a very odd and unusual experience for me. But as odd as it may be, I had to admit, I like the feeling of being there inside the church, of being with the people I met for the first time, of being with strangers that strangely doesn’t feel that “stranger” to me.

Hindi iyon ang naging una at huling pagpunta ko sa CLJC. My first attendance led to another and to another.. Hanggang sa hindi ko na lang namamalayan na Linggo Linggo na pala akong naroroon para umattend ng service. I became a regular since January. Kahit nuong napunta ako ng Bataan, i was there every single Sunday. Hindi ko rin alam kung papano ko napagkasya ang oras at energy ko nung ma panahong iyon. It was truly amazing.

Sa totoo lang hindi ko inaasahan na makakaramdam ako ng pagbabago sa sarili ko nung mga panahon na yon. I wasn’t even sure why I keep on attending the service every Sunday. I never really plan to be there regularly, it just happen spontaneously. Hindi ko alam pero every week, pakiramdam ko may naiiba sa akin. Totoo ba yon o imagination ko lang?  Im not really sure. Basta ang alam ko lang mas gumagaan ang pakiramdam ko, at unti unti ring lumalawak ang pag unawa ko sa mga bagay bagay.

After a few weeks of attending, I was surprised to find myself occasionally reading the bible and finally talking to Jesus again. Not just small talk, but I guess that was more of a heart to heart talk. Hindi naging madali iyon kasi hindi naman talaga natural sa akin na gawin iyon. I mean, I do know how to say my prayers but my prayers had never been that personal and deep. Palagi ko lang sinasabi sa kanya na “Thank You.” And “Im sorry sa lahat ng nagagawa kong mali.” Pero ang totoo maraming marami pa sana akong gustong sabihin sa kanya pero pinipili ko na hindi na lang iyon sabihin. It’s a shame to admit pero mahaba haba ring panahon na nawalan ako ng gana sa kanya. I don’t know if I did that on purpose. Nagtampo ba ako? Lumayo ba ang loob ko sa kanya? O sadyang nakakalimutan ko na nag e-exists pa sya sa buhay ko?
Siguro nga ganon. Ang natanim kasi sa isip ko dati, sya ang unang nang iwan, hindi ako.
He turned his back first, so I had no choice but to turned my back on him too. May mga pagkakataon kasi na dumating sa akin nuon na  kahit anong dasal, o lapit o pakiusap ko sa kanya na tulungan ako sa mga problema ko, parang hindi nya naman ako naririnig. Naisip ko siguro, mabait ang Diyos. Pero mabait sya sa mga taong deserving at mabait din sa kanya. Bagsak ako kung iyon ang gagawing standard.

I was never really that nice. I mean, I had my moments when I really was unworthy to be called or to be even considered as a child of God. Hindi naman ako masamang tao, pero marami akong nagawang hindi mabuti at hindi masyadong maganda. Masyadong mahaba kung iisa isahin ko pa ang mga iyon pero ilang beses rin akong naging sakit ng ulo ng mga magulang ko. I was lost as a teenager. Pero syempre sa pananaw ko nuon, normal lang naman ang mga pinag daanan ko. High school ako nuon nung medyo nagpabaya ako sa pag aaral, natuto akong bumarkada, uminom, manigarilyo. I thought it was okay then. Wala namang masama kung susubukan ko ang ilang bagay di ba?
Nung college naman ako, hindi rin naging masyadong maganda ang record ko. Hindi ko mabilang kung nakailang eskwelahan at nakailang course ako bago ko na-realize na magpakatino at finally tapusin ang pag aaral ko. Mabuti na lang medyo nagising gising ako sa katotohanan nung finally makatapos ako at magkatrabaho. And I thought it was all settled. Kasi, ang mahalaga naman pag nagkakamali ka, natutunan mo ang leksyon mo di ba?

Iyon yata ang essence ng buhay para sa akin nuon. May nagawa man akong pagkakamali,  pero sa huli natuto naman ako. TAPOS. PERIOD.

Akala ko ganon lang ang buhay. Pero hindi rin pala. Parang may kulang pa rin kasi. Dati,hindi ko alam kung ano yung kulang na yon at hindi ako nag aabala na alamin pa. Pero iba na ngayon.
Nagyon, alam ko na kung ano at sino ang missing piece na iyon sa buhay ko. J

Si Jesus.

Sya pala yung missing piece sa puzzle ng buhay ko. Or mas tama yatang sabihin na ako yung nawala? Kasi, hindi naman pala sya nawala kahit kelan. Pinili ko lang talagang isipin at paniwalaan na nawala sya sa buhay ko nuon but the truth is, I shut the door for him. Pinagsaraduhan ko sya ng pinto, pati nga yata mga bintana sinara ko kaya hindi sya nagkaroon ng pagkakataon na makapasok sa puso ko.
Hindi ko sya maramdaman kasi in the first place, hindi ko naman sya pinapayagan na tumuloy sa puso ko.

Kinailangan pa nya akong katukin ng katukin, kinailangan pa nyang ipadpad ako sa terminal ng jeep Marilao, kinailangan pang ipakilala nya sakin si Ate para makarating ako sa CLJC at makilala pa ang mas maraming tao na nagpatunay sakin na totoong hindi sya nawala sa akin. He is just there. Lurking in the corners of my heart, waiting to be noticed. Waiting to be loved.

Sa ilang linggo/buwan na inilagi ko sa church, I saw how blessed I am, how fortunate I am, and how the Lord really cares for me. Na-appreciate ko yung ka-simplehan ng buhay sa mga taong nakasama ko. Pwede naman palang maging masaya kahit na hindi ka perpekto o hindi perpekto yung buhay mo.  
You don’t always have to have answers or reasons for everything. Hindi naman talaga lahat ng bagay kaya mong unawain at kaya mong sagutin pero ang mahalaga kaya mong tanggapin. 
Kaya mong tanggapin kasi kung  tinanggap mo na SYA sa buhay mo. Imagine, what else can you not accept? At ang pinakamasarap na kapalit ng lahat ng iyon, alam mo na tinatanggap ka rin nya.

Jesus accepted me long before I accept him. 

I cant really imagine myself writing about this, but here I am tapping the keys of my laptop with all these wonderful thoughts on my mind. Gusto ko lang kasing isulat yung magandang experience na nangyari sa akin. Masaya ako sa mga naging pagbabago sa buhay ko sa nakalipas na ilang buwan. Masaya ako sa mga bagong kaibigan, bagong karanasan, at bagong simula ng pakikipag kaibigan ko sa KANYA.

Nagpapasalamat ako kay Ate Mira. Now I know why I met you in that jeep terminal Ate!  Wala talagang aksidente sa mundong ito, siguro sinadya iyon ni Lord. 

Salamat din ng maraming marami sa CLJC people. Thank you for inspiring me and letting Jesus into my heart. Im sorry I didn’t get to say this personally. Ganito po talaga ako, dinadaan sa sulat. Ang haba haba kasi ng mga sinabi ko. Haha pero totoo, maraming maraming salamat talaga. 

AMEN!!!!!! =)))))