Tuesday, April 30, 2013

BUHAY MANUNULAT


I found this article on Juris Angela's wordpress blog. She's a co-writer and a good friend. She wrote this really nice article about writers. Nakakatuwa kasi totoo yung lahat ng sinabi nya rito. I love that she wrote it in a very Bob Ong way. Full of fun and humor pero nandon ang puso. :)

Ang galing mo Juris! You really captured the struggles, the pain and the joys of being a romance writer. Im sure lahat ng writers makakarelate dito.





Buhay Manunulat



Hindi biro ang sumulat ng isang nobela. Maraming gabi kang walang tulog. O kaya naman, kung sa umaga nagsusulat. Ilang beses mong mari-realize na kanina ka pa tulala habang nag-iisip. Ang masama pa, minsan, wala kang maisip. Ang hindi alam ng marami, ang mga writers. Halos araw-araw, inaatake ng Writer’s Block. Ang simpleng hindi ka makaisip ng susunod na eksena, masaklap na ‘yon. Ilang beses na rin ba nangyayari na ihing-ihi ka, pero hindi ka makatayo dahil hindi mo mabitawan ang nakakakilig na eksena. Kumakain ka habang nagsusulat, kaya before you know it, mas malamig pa sa ilong ng pusa ang pagkain mo. *Gaya ng kape sa tabi ko ngayon*.

Ilang beses ka na rin bang nakiluha, kasama ng mga heros at heroines mo. Nainis sa mga kontrabida sa buhay nila. Kinilig sa mga kissing scenes, sa mga sweet moments, sa simpleng pagkakalapit ng mukha ng mga bida. At naki-share sa love na nararamdaman ng mga heroines kapag aminan portion na at happy ending na.

At sa bawat konseptong naiisip, palagi kang excited na simulan ang bagong storyang tumatakbo sa isip. Masaya ang buhay writer kapag hindi ka nauubusan ng ideya para sa mga nobelang gustong simulan sa darating na araw. Pero minsan, hindi masaya kapag wala kang naisip kahit na kung paano hihilik ang hero mo habang tulog ito, nakanganga at tulo laway pa.

Masaya ang buhay ng mga writer kapag ang nobelang, ilang araw/linggo mong pinagpuyatan, pinag-isipan at pinagbuhusan ng panahon ay magugustuhan ng mga mambabasa. Worth it lahat ng bagay na pinagpalit mo para lang matapos ang nobela mo. Ang lakad ng mga barkada na dineadma mo dahil naghihintay na sila Miss Editor, ang tuwalyang kinuha mo sa hanger, na sinabi mo sa sarili mo kanina bago ka magsimula ay maliligo ka na. Pero matutulog ka na lang ulit, hindi ka pa rin nakakaligo kasi nahaplos mo na naman ang pinakamamahal mong laptop. Ang ilang beses mong pagplanong mag-toothbrush, na nakalimutan mo dahil sa may sinusulat ka. Nang bumuntong hininga at naamoy mo ang sarili mo tsaka mo na lang ulit naalala hindi ka pa pala nagto-toothbrush simula gumising ka.

Ilang beses ka na bang pinuna ng mga kaibigan mo dahil hindi ka nawawalan ng notebook at ballpen sa bag mo? Ilang beses ka na bang napapagkamalang praning dahil bigla ka na lang ngingiti habang nagku-kwento ang kaibigan mo tungkol sa masalimuot niyang lovelife, kasi may naisip kang magandang idagdag sa isusulat mo. Ilang beses ka na rin bang napapagkamalang may sariling mundo, kung mas lamang na nagkukulong ka sa kuwarto mo? At minsan, ilang beses ka na bang natatawag na bampira dahil mas lamang na gising ka sa gabi, at tulog sa umaga.

Hayyy…ganito ang buhay naming manunulat. Madalas masaya kami sa sariling mundo na ginagalawan namin. Mga sakripisyo para lang makabuo ng nobelang makakapagpasaya at makakapagpakilig sa inyo. Nobelang mamahalin ninyo at kapupulutan ng aral. Kahit na minsan, nakakakulta ng utak magsulat, at naninigas na mga daliri namin…go lang! Ang mahalaga kasi sa amin, ang mabuo ang nobelang sinusulat. At forever mapasaya kayo, aming minamahal na mga mambabasa.

Ito ay para sa mga kapwa manunulat ko. Kampai! *alak sa inyo, ice tea sa akin..bawal sa akin eh. Hahaha!*. Mga bagay na aming tiniis at niyakap ng buo para lamang mapagyaman ang talento sa pagsusulat na ipinagkaloob sa amin ng Poong Maykapal. Ang siyang manunulat na aming mga buhay.

ISANG MALAKING SALUDO SA INYONG LAHAT! Bow!

No comments:

Post a Comment